Ang Nilagang Baka ay isang paboritong soup ng mga Pilipino. Ito ay laman ng Baka na pinakuluan na may timpla ng buong paminta, sibuyas at patis. Madalas na nilalagyan ito ng mais, patatas at green vegetables tulad ng bok choy o cabbage. Ito ang pinaka simpling recipe ng mga Pinoy pero malasa at masustansya. Madalas ay comfort food ito ng mga Pilipino kasi bukod sa madaling lutuin ay madaling makuha ang mga ingredients nito.
Maraming paraan ng pag luto ng Nilagang Baka. Ang iba ay nilalagyan ito ng saging (banana) at carrots pero sa recipeng ito madalas na nilalagay ko ay mais at cabbage kasi ito ang paborito ng mga anak ko.
Simple lang ang pag luto ng Nilagang Baka. Pakuluan lang ang karne ng baka, lagyan ng mga pampalasa at lutuin hanggang sa lumambot ang karne. Lagyan ng mais at cabbage at timplahan ng mais.
Ang sikreto sa malinis at malinaw na sabaw ay ang pag alis ng scum sa sabaw nito sa mga unang minuto ng pag pa kulo. Pag ka na alis na ang scum, set the heat to low – medium at pakuluan hanggang sa maluto.
Mga Sangkap:
- Beef meat
- Onion
- Ginger
- Whole Peppercorn
- Fish sauce
- Beef broth (optional)
- Corn
- Chinese cabbage
Paano Magluto ng Pork Igado
Step 1
Sa isang malaking lutuan ay ilagay ang karne ng baka. Lagyan ng tubig, sakto para mapa kuluan ang karne. Gamit ang salaan (skimmer) alisin ang scum sa sabaw nito. Takpan at pakuluan.
Step 2
I lagay ang sibuyas, luya, buong paminta at fish sauce, takpan at pakuluan ito sa low to medium heat. Bantayan at siguraduhing hindi umapaw ang sabaw nito.
Step 3
Pagka malambot na ang karne ay ilagay ang mais. Takpan at pakuluan hanggang sa maluto. Ilagay ang chinesse cabbage, turn off the heat and cover.
Step 4
E serve ng ma init with patis, lemon and chili on the side. Masayang kainan mga Dabarkads!